Saturday, December 11, 2004

kandila

ngayon gabi madilim dito
walang ilaw, brownout sa aking mundo
sa init naiinip, sa dilim nangangapa
naalala tuloy kita

kandila lang ang kasama
kandila lang ang kasama
kandila lang ang kasama.. kumusta ka na kaya?

kung kelan pa nawalan ng ilaw
saka pa lahat naging malinaw
baka ako ang may kasalanan
kung bakit tayo may tampuhang
hindi na pwedeng pagusapan

sorry di kita hinabol
sorry tayo'y malabo
maya maya lang ay may ilaw na
pero sana malaman mo

magkailaw man madilim pa rin
kung wala na
kung wala ka...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home