Wednesday, November 17, 2004

suntok sa buwan

Hindi mo ba alam
Damdamin koy pinagtakpan
Makasama kay suntok sa buwan

Di mo nga alam
Mundo mo ngay iyong tignan
Kung ganyan, walang pupuntahan

Hindi ko to gusto
Pero wag kang lalayo

Itanong mo sa akin
At tatanungin ko rin
Kung ikay aamin
Lahat ay gagawin

Di mo napapansin
Kailangan mo akong dinggin
Di habang buhay ikay aantayin

Itoy aking hiling
At sana naman ay tanggapin
Ng puso koy di nabibitin

0 Comments:

Post a Comment

<< Home