nice
Alaala ni Batman
Bale 1986 noong una kong nakilala si batman
wala pang abs-cbn noon sa BBC-2 pa noon eh
panahon ni Marcos na malapit nang mamatay
wala rin si kris aquino
wala pa si boy abunda
sikat pa si herman moreno noon eh
sabi ko, "shet ang galing nito ah"
natulala ako noong una kong napanood si batman
"shet ang galing nito" sabi ko sa sarili ko
"ang galing galing galing ng itsura ni batman"
parang kinatam ang mukha
ang galing ng costume
umuumbok ang dibdib
pero di pa rin bakat ang utong
ang galing ng gadgets niya
ang gara ng kotse
ang ganda-ganda ng bahay
ang galing-galing mag-Ingles
ang galing mangarate
actually, pulbos nga ang lahat ng kalaban niya eh
palagi ko siyang pinapanood tuwing hapon
palagi akong nakikipag-away sa katulong namin
dahil gusto niyang manood ng LotLot and friends
atsaka That's Entertainment
pero ako isa lang ang gusto kong panooring
isa lang ang idol na idol na idol na idol ko talaga
bale idol na idol na idol na idol ko talaga si batman
di bale na si robin kasi parang bading
ano kaya ang relasyon nila ni Batman?
pero idol ko talaga noon si batman eh
parati ko siyang dinodrawing
parati ko siyang ginagaya
lahat ng mga bagay na batman gustong-gusto ko at meron ako
yung t-shirt ko Batman
yung lunchbox ko Batman
yung pencil case ko
yung panyo
yung sumbrero
yung toothbrush
yung brief ko lahat yun batman
mahal na mahal ako ng tatay ko
kasi kahit mahirap lang kami
parati niya ako binibilhan ng mga batman na bagay
pero minsan gusto ko talaga ng Batmobile na laruan
nagpabili ako sa kanya
sabi ko "Tay bili niyo naman ako ng Batmobile "
pero katatanggal niya lang sa trabaho noon
kaya wala siyang pera
kasi kasali ata siya sa union nagwala sa picket line
kaya yun natanggal
kaya gumawa na lang siya ng mga karag-karag na mga lata ng sardinas
at binutasan na lang at kinabitan ng tansan
at doon ko nalaman ang ibig sabihin ng pagmamahal
at lumipasa na nga ang mga taon
at si batman ay halos tuluyan nang naglaho sa aking alaala
ngunit sa isang madilim na sulok ng aking kamalayan
alam kong naroon pa rin si Batman
isang tahimik na anino nakabalabal sa dilim at mysterio
sa loob ng aking utak at kuwarto
at mula noon ay nag-iba na nga ang ihip ng hangin
nagulo na ang ikot ng mundo
kumupas na ang kulay ng buhay
dumaan ang mga kasintahan
ang mga asawa, ang mga taong akala mo'y kaibigan
yun pala'y mga tarantado
mga artistang araw-araw mong napapanood sa TV na mga bobo
mga politikong bobo
mga trabahing maliliit ang sweldo
isang milyong bundok ng mga problema
isang malaking tambakan ng hinanakit
isang mundo ng hinagpis
hindi ko na matagalan
hindi ko na matiis
hindi ko na kaya
ngayon hindi ko na talaga kaya
hindi ko na kaya hindi ko na talaga kaya
may narinig akong putok mula sa kaibuturan
ng aking utak
bumigay na ang tali
sumabog na ang bulkan
nabasag na ang pula
kaya ngayon isang madilim na madilim na gabi
ako ay narito na sa isang mataas na mataas na building sa AYala
ang sarap ng hangin na umiihip-ihip sa aking kapa
nakataas na ang aking mga kamay
nakataas na ang aking mga kamay
malapit na akong lumipad
malapit na akong lumipad
malapit na akong lumipad
malapit na akong lumipad
Lipad Batman Lipad
lumipad ka lumipad ka
lumipad ka papuntang langit lumipad ka
nakataas na ang aking mga kamay lumipad ka
lumipad ka nakataas na aking mga kamay
tapos bigla kong naisip hindi nga pala lumilipad
si Batman hindi nga pala lumilipad
si Batman
kaya paalam malupit na mundo
paalam...
hehe got this from somewhere.. lyrics daw from the album of radioactivesago project.. it made me smile

0 Comments:
Post a Comment
<< Home